Bakit mahalaga na makapag tapos ng pag-aaral?
Layunin ko na makapag tapos ng pag-aaral noon pa man at hanggang ngayon lalo na at ako ay nasa senior high student, sapagkat gusto kong suklian ang mga pag hihirap ng aking mga magulang. Kailangan kong tapusin ang aking pag-aaral sapagkat may pangarap ako para sa aking sarili at para na rin sa aking pamilya. Mahalaga ang makapag tapos nang pag-aaral sapagkat kapag ikaw ay nakapag tapos sa pag-aaral maraming magagandang oportunidad o trabaho na pwede mong pasukan sa darating na panahon. Mas mapapadali din ang pag apply sa pinapangarap mong opisina kung ikaw ay nakapag tapos sa kolehiyo, sapagkat karamihan sa mga trabaho, ang kanilang hinahanap ay ang mga taong nakapag tapos sa kolehiyo o kahit nakapag tapos lamang hanggang dalawang taon sa kolehiyo.
Para sa akin, ang makapag tapos ng pag-aaral ay isang malaking tagumpay sa lahat sapagkat kung ikaw ay nakapag tapos ng pag-aaral ikaw ay may posibilidad na magkaroon ng magandang kinabukasan. Isa sa aking mga plano ang makapag tapos sapagkat ito ang una kong maibibigay na sukli sa mga sakripisyo ng aking magulang. Marahil nakakapagod ngunit lagi kong tinatandaan at hindi kinakalimutan ang dahilan ko kung bakit gusto ko makapag tapos s pag-aaral.
Mahalaga na makapag tapos ng pag-aaral dahil kung ikaw ay nakapag tapos maaari mong ibahagi sa ibang kabataan ang iyon mga natutunan sa paaralan. Ang edukasyon ay nagbubukas ng pinto para sa personal na pag-unlad at pagpapalawak ng kaalaman. Ito ay nagbibigay-daan sa mga tao na maging mas kritikal at mapanuri sa kanilang mga desisyon. Ang pag-aaral ay nagbibigay ng mga kasanayan na mahalaga sa iba't ibang aspeto ng buhay, tulad ng komunikasyon, problem-solving, at pamamahala ng oras.
No comments:
Post a Comment