Ang ipinahihiwatig ng kanta ni Freddie Aguilar na "ANAK" ay kung gaano kagalak ang mga magulang sakanilang anak noong isinilang ito sa mundo. Ngunit sa pag laki niya, hindi na niya napapansin ang mga sakripisyo ng kaniyang magulang para sakaniya. At ang pagmamahal ng kaniyang magulang, kaya naman sa huli ay malaki ang kaniyang pagsisisi.
Ang kanta ay naglalarawan ng isang anak na nagkamali at naligaw ng landas, ngunit sa kabila ng lahat, ang pagmamahal ng magulang ay nananatiling buo at walang hanggan. Ito ay isang paalala na ang mga magulang ay laging nandiyan upang gabayan at mahalin ang kanilang mga anak, kahit ano pa man ang mangyari. Ang mensahe ng kanta ay tumatalakay sa kahalagahan ng pamilya, pagpapatawad, at pagmamahal na walang kondisyon.
No comments:
Post a Comment