MANIKA
Siya si Euneece. Isinilang siya noong Disyembre dalawangpu't pito at dalawang libo't pito. Ang kaniyang mga magulang ay sina Ben at Erica, labis nilang minamahal ang kanilang anak na si Euneece. Dahil sa labis na pagmamahal na kaniyang natatanggap mula sakaniyang mga magulang,, lumaki siyang masiyahin at mapagmahal na anak. Noong bata pa lamang si Euneece, mahilig na siyang mag laro ng manika kasama ang kaniyang mga kalaro. Mahilig niya itong bihisan ng damit na kapareho sakaniyang damit.
Simula noon, si Euneece ay mahilig mag-ayos nang kaniyang sarili kaya naman si Euneece ay minsan na nakatulong sa pag-aayos sakaniyang mga kaibigan, madalas naman na kaniyang inaayusan ay ang kaniyang kapatid. Sa kahiligan ni Euneece sa pag-aayos, siya ay maraming damit na babagay sakaniya at mga pang kolorete sa mukha. Sa kahiligan niya sa pag-aayos, siya na mismo ang nag aayos sakaniyang bunsong kapatid at sakaniyang minamahal na ina.
Makalipas ang ilang taon, si Euneece ay isa na ngayong sikat na kilala bilang isa sa mga magagaling pag dating sa fashion at pag make-up. Marami siyang pinag aralan patungkol sakaniyanggg hilig bago niya ito makamit. Sa una ay nahihirapan at pasuko na siya ngunit sa suporta na ibinibigay mula sakaniyang pamilya, hindi sumuko si Euneece sakaniyang pangarap. Kaya naman ngayon ay nakamit na niya ang kaniyang pangarap at nakakatulong na siya sakaniyang magulang para sakanilang pang araw-araw.
No comments:
Post a Comment