TAKIPSILIM
Noong bata pa ako ang mga tangi ko lamang na ginagawa ay mag laro sa labas kasama ang akng mga kaibigan, manood ng paborito kong palabas, at mag-aral. Maginhawa at halos wala akong gaanong pinoproblema. Hindi ko pa gaano alam ang paggamit ng "Social Media", ang tanging libangan ko lamang ay mag basa ng mga librong pambata. Noon, ako ay isang batang walang kaalam alam sa mga problema na pinagdadaanan ng mga tao at ang tanging problema ko lamang ay kung paano ako makakatakas kapag ako ay pinapatulog sa tanghali sapagkat gusto ko makipag laro sa mga bata na nasa labas na nag hahabulan at masayang masayang nag lalaro.
Noon, may malaki akong pinagtataka at yun ay kung ano ang pakiramdam kapag ikaw nasa tamang edad na at kailangan harapin ang pang araw-araw na pag subok sa buhay. Marami akong gustong malaman noon tungkol sa mga nakikita at naririnig ko sa aking paligid. Bilang batang na gusto na lumaki agad, hindi na ako makapag hintay noon upang maramdaman at maranasan kona ang mga bagay bagay na nararanasan ng mga taong nasa paligid ko.
Ngayon na ako ay nasa edad na na kung saan ay dapat kong harapin ang reyalidad at mga problema sa buhay. Maraming pagbabago akong nararanasan katulad na lamang sa pagkakaroon ng problema sa eskuwela, at lalo na sa sarili. At dahil doon, minsan ay naiisip o sumasagi na sa aking isipan na tapusin na lamang ang aking buhay sapagkat minsan yun na lamang tangi kong naiisip sa tuwing ako ay may matinding pinag dadaanan. Napagtanto ko na ang buhay ay hindi parang laro lang na kapag ikaw ay napagod, ikaw ay maaari na lamang agad sumuko. Maraming puwedeng maging solusyon at isa na doon ay makipag usap sa Diyos. Para saakin ang pakikipag usap sa Diyos ay nakakagaan ng damdamin. Dahil dito natutunan kong huwag basta sumuko sapagkan ang problema ay lilipas rin at hindi ito mag tatagal. Pagsubok lamang iyon kaya ito ginawa kong dahilan upang maging matatag sa hamon ng buhay.
No comments:
Post a Comment